(Tamaan na ang tamaan. Ang tamaan, may bukol. Kung walang bukol, hindi nauukol)
Part I
i-SS mo na lang!
Ha? Sasalsalin ko na naman? Putulin ko na lang kaya?
Ang liit na nga nyan, puputulin mo pa.
Haha. Eh etong ulo kaya?
Iyan ang masyado mahaba, bawasan mo.
Hindi, tama lang para ma-excite sila
Sige, ulit ulitin na lang natin
Shhh, wag ka na maingay at baka sa iba pa sumabog eto. Tabi dyan at ilalabas ko na.
The writer with former President Gloria Macapagal Arroyo | at The Mansion in Baguio City |
Wala ka sa Xerex at hindi mo rin makikita sa Bulgar eto.
Typical na usapan na eto sa mga taga-media. At take note, hindi sila gumagawa ng mga karumal-dumal na gawain dahil mas nakakarimarim pa ang kanilang ginagawa—ang gumawa ng istorya para sa dyaryo.
May mga termino kaming ginagamit na halos kami kami lang nakakaintindi, pwera na lang kung girlfriend/boyfriend/asawa/kabit/nanay/tatay o ka-table ka ng isang taga-media. Kung nataon ka na hindi ka isa sa mga eto at napasama ka sa mga taga-media, goodluck na lang sa iyo at siguradong naibenta ka na sa bumbay sa Magsaysay.
Kunsabagay, lahat naman ng propesyon may kanya-kanyang termino para pag nag-umpok-umpok sila, sila-sila din nakakaintindi at hahanga naman ang ibang taong ‘di nakakaintindi.
Uy sis, out ka na ba? Toxic kasi kami kahapon eh.
Bakit, ano shift mo?
3-11 pa mandin, sa ER
Ay ako, sa ICU..pero Q2 lang
Buti ka pa, puro VA kasi sa akin tapos di pa tapos charting ko
Haha o siya at 7-3 pa ako bukas
Bro, tapos mo na floor plans ng kliyente mo?
Hindi pa. Pati scale model at perspective drawings di ko pa nasimulan.
I-auto CAD mo na lang para mabilis
Problema pa, wala pa ako building permit
I-palakad mo na lang sa City Hall tapos bigyan mo pang-kape
Oo nga ano, sige salamat
Oist, na-kwan mo na pinapa-ano ni sir?
Ay, oo kahapon ko pa naano iyan
Paano mo na-kwan ba?
Basta ginanoon ko ung kwan tapos, okay na siya
Weh? di nga?
Oo sabi.
Ah, madali lang pala anuhin ano?
OO naman
O, di ba..kahit mga estudyante, may mga termino din sila na sila-sila lang nakakaintindi ng ano nila.
Kung minsan, dapat may alam ka ring konting ka-churvahan sa mga ka-ek-ekan ng mga utaw sa mundo
Dahil kung hindi, mapag-iiwanan ka sa mga tiyenes ng mga walang magawa sa buhay. Kaya go lang dahil alam kong keri nyo naman iyan.
Moving on.
Pero hindi lahat ng nag-nursing ay nurse at hindi lahat ng nag-engineering ay engineer. At ganoon din na hindi lahat ng taga-media ay nag masscomm. Mas marami sa amin ay nang-galing sa iba-ibang kurso. Karamihan sa amin ay galing sa commerce at natural sciences. Nasa kursong fine arts ako ng magsimula sa peryodiko bago ang Gulf War sa Kuwait. Maniwala’t ka’t sa hindi, halos ang mga pinakamagaling na manunulat ay hindi man lang nagsitapos. Sila iyung tinatawag na nagtapos sa University of Hard Knocks. Mga sinanay at pinagaling ng panahon at edad—mga bagay na hindi tinuturo sa mga unibersidad at mga libro sa CID, National o Jet Bookstore.
Sila din ang mga hinasa na ng pagsubok sa pakikipaglaban sa karapatan ng bawa’t isa na makapagpahayag ng sariling pananaw. Mga pilit na nagsulat sa ilalim ng Martial Law noong dekada sitenta at mga nagtago sa ilalim ng kama ng pilit kunin ng mga sundalo ang kanilang mga makinilyang Underwood. Iniidolo ko sila dahil walang yumaman kahit isa sa kanila at napangalagaan nila ang kanilang mga pangalan na hindi malagay sa asul na libro ng jueteng, jai-alai, masiao, blackjack, pusoy at tong-its.
Walang kita sa pagiging kasapi sa media. Kung wala ka sa mga malalaking kumpanya, kawawa ka. Madalas sa kapangyarihan na lang ng ‘by-line’ kumakapit ang iba at hindi na rin nakakapagtaka na napipilitan na rin kumapit sa patalim ang iba para lang mabuhay at makisabay sa inuman ng mga taga-media. Nakakabilib din dahil sa kabila ng kakulangan ng kita sa buhay ng isang peryodista ay madalas pa ring istambay sa mga painuman ang ilan. Huwag ka, marami pa sa amin ang suki na sa Magsaysay, Marcos Highway at Naguillian Road.
No comments:
Post a Comment