Masaya ko’ng pinagmamasdan ang kagandahan ng downtown Winnipeg mula sa bintana sa ika-siyam na palapag ng gusaling kinatatayuan ko. Maaliwalas ang panahon at malamig ang samyo ng aircon sa opisina. Parang kelan lang, ganito ang itsura ko may dalawamung taon na ang nakakaraan.
--
Malayo ako na nakatanaw sa may bintana sa ikalawang palapag ng Root Crop Center ng Benguet State University sa La Trinidad, Benguet. Opisina ito ng JVO Foundation na kung saan inaantay ko mga materyales na gagamitin sa kanilang opisina. Masaya ang lahat dahil malapit na uwian ng lunes na iyun. Malamig ang simyo ng hangin ng hapong iyun at maya-maya lang ay may konting pag-ulan. Makalipas lang ng ilang minutong pagpagaspas ng hangin sa mga nabasang dahon ng mga puno ay nagsimula na ang apatnapu at limang segundo na nagpabago sa siyudad at sa pananaw ng mga tao.
Sa unang pagyanig ay kinaya ko pa’ng hindi umalis sa tabi ng bintana at baka nga naman sandali lang eto. Maya-maya ay lalong lumakas na at para ng kinakarambola sa batya ang paligid. Agad na ako’ng pumasok sa ilalim ng mesa habang sumasayaw pa rin ang paligid sa tugtog na hindi ko na pinangarap marinig. Napapikit na rin ako at napadasal at bigla ko naalala ang mag-ina ko at ang wala pa’ng tatlong buwang baby namin na nasa Baguio. Naalala ko rin mga magulang ko at mga kapatid. Parang sa isang iglap ay dumaan sa harap ko ang nakalipas na 26 taon ko sa ibabaw ng mundo.
Puro iyak naririnig ko. Puro dasal sa lahat ng santo at lahat ng panalangin sa mundo ay narinig ko na. Ang 45 segundo na un ay parang habambuhay na yata para sa akin na wari ko’y hindi na hihinto at katapusan na yata ng mundo.
Awa ng diyos ay huminto ang paglindol. Awa ng diyos, hindi gumuho ang gusalng kinaroonan namin. Sa pag-uwi ko, tsaka ko lang malalaman na maswerte ako sa gusaling pinaggalingan hindi katulad ng mga masasaksihan ko sa Baguio ng hapon na iyun.
Nakakahilo, tuliro pa rin habang binabaybay ko ang hagdan pababa at palabas ng gusali. Wala na ako’ng pakialam kahit nagkaroon pa ng mga aftershocks. Sa may damuhan muna kami naghintay at dinamayan mga kasama ko na wala paring humpay sa pag iyak at pagdarasal.
Parang wala pa ako sa sarili habang binabagtas ko ang highway. Imposible na akong makasakay ng jeep pauwi dahil sira sira na ang kalsada. Parang bigla na naman naghukay ang mga taga-DPWH at iniwan na lang bigla. Hindi ko alam kung paano ko nalakad hanggang Baguio. Sa daan ay nakahinto na lahat ng sasakyan at halos lahat ng tao ay nasa labasan na. Nasasalubong ko ang mga taong dala-dala na nila ang mga sugatan at mga ilang gamit. Iyakan. Hagulgol at sigawan sa paghingi ng tulong. Bagsak ang mga ilang bahay na natatanaw ko sa kabundukan sa tabi ng Balili River. Wala na ring palengke at wala na rin talagang biyahe.
Hindi ko alam kung paano ko nalakad ang Km. 3, Km. 4 at Km. 5 at maya-maya lang ay nasa tapat nako ng Bell Church papasok ng Baguio. Sa daan ay may pulang sports car na nabagsakan ng mala-gusaling bato. Buhay pa kaya ang driver noon?
Pagpasok sa Baguio, mas nakakangilabot pa ang mga tanawin. Halos wala ako maaninag sa daan sa kapal ng alikabok na mula sa mga gumuhong gusali sa Magsaysay at Bonifacio street. Sa kalsada halos lahat ng tao at pakiramdam ko, hindi pa rin nawala pagiging uzisero ng mga Pinoy. Kulang na ang palapag ng Baguio Hilltop Hotel sa taas ng palengke. Bigla na ring nasa bangketa ang isang hotel sa tapat ng kinatatayuan ng Jollibee Magsaysay ngaun. Sa mga bintana nito ay puro may taling kumot na kung saan ginamit marahil ng mga naka-check in. Ang kwento nila, may mga nagsipag-takbuhan daw na mga hubo’t hubad. Tsismoso pa rin kahit may kalamidad o sakuna.
Habang naglalakad ako ay may mga konti pa’ng pagyanig pero parang bale wala na sa akin iyun. Gusto ko na makita pamilya at sana’y walang nangyari sa kanila. Sa di kalayuan, sa may Igorot Garden ngaun, pinipilit angatin ng isang payloader ang sementong waitin shed. Dangan kasi at may batang sumilong doon nung lumindol at nalibing na ng buhay. Surreal ang paligid. Parang masamang panaginip. Mula Abanao ay nalakad ko pa ang buong City Camp at Rock Quarry. Mas maraming bahay na bumagsak dito sa lakas ng paglindol. Marami na ring nakatagilid na marahil ay hindi na nabalikan ng mga may-ari.
Maayos naman ang mag-ina ko. Nasa sofa lang daw ang panganay ko at tulog na tulog at ang unang tinakbo daw nila ay saksakan ng refrigerator. Sinunod ko ring puntahan mga magulang at kapatid ko sa Nagullian road. Gumuho na rin ang paligid ng St. Vincent Church sa tapat halos ng bahay ng nanay ko. Wala na sila sa bahay. Nagkalat ang mga gamit. Mula sa kalsada ay tanaw na ang mga taong naglalakad na palabas ng Baguio pababa ng La Union. Sigurado ako na nung panahon na iyun, marami ring paakyat papuntang Baguio galing ng La Union.
Laking pasalamat ng makita ko mga magulang ko sa bakuran ng Holy Family Academy katabi ng St. Vincent Church. Nakaligtas din ang simbahang eto noong World War II. Ligtas din ang mga kapatid ko. Sawing-palad naman ang mga pamilyang nawalan ng mga mahal sa buhay na humigit kumulang sa isanlibo.
---------
Eksaktong 4:26 nga hapon, Lunes ng July 16 ng yanigin ang Baguio kasama na ang La Trinidad at kalapit pook tulad ng Agoo, Dagupan at Cabanatuan. Hindi lamang isa kungdi dalawang paglindol na may sukat na 7.7 sa open-ended Richter scale.
Dapat ay 3:36 ng hapon iyun pero dahil sa Daylight Saving Time ay napaaga ng isang oras at himala rin na wala na ang karamihan sa mga paaralan. Kung nagkataon, mas marami pa ang namatay o nasaktan.
Eto na ang pinakalamakas na paglindol sa Pilipinas matapos ang pagyanig sa Maynila noong 1968 na kungsaan gumuho ang Ruby Towers na ikinamatay ng ilang daang tao. Halos karamihan sa 120, 000 residente ng Baguio ay natulog sa labas kasama na ang Burnham Park, Melvin Jones football grounds at Athletic Bowl. Noon oras na iyun ay marami pa’ng nakulong sa mga gusaling gumuho kasama na ang sikat na Hyatt Terraces, Baguio Park Hotel at Nevada Hotel na ngayon ay kinatatauyan ng Nevada Square.
Sa University of Baguio (UB), mahigit 23 katao, karamihan mga estudyante ang namatay ng gumuho ang kanilang commerce building. Ang katabing FRB Building, na ngayon ay parking lot ng UB, ay hindi rin nakaligtas sa paglindol. Malaking pinsala rin sa Philippine Military Academy at Fort Del Pilar at ang kanilang parade grounds ay mistulang naging tent city ng kanilang mga kadete. Ang pinakamatayog na gusali, ang Skyworld Condominium ay napakalaki na ng pinsala at etoy’ nademolish din makalipas ng ilang buwan.
Nagmistulang tent city rin ang Baguio at dahil sarado na ang lahat ng kalsada palabas ng siyudad ay kinapos na rin sa tubig, gamot at pagkain. Doon ko lang nakita ang mga naunang bote ng mineral water na dala-dala ng mga Amerikano gamit ang kanilang mga C-130. Sila na lang at ang kanilang mga helicopters ang pwedeng gumamit sa Loakan Airport dahil sa kakayahan netong mag-landing kahit sa masikip at maigsing paliparan sa mundo.
Nagsidatingna na rin kinaumgahan ang mga rescue crews at relief supplies sa Baguio. Halos lahat ng punerarya sa siyudad ay puno ng mga bangkay na naka-hilera na lang sa bangketa para makilanlan ng mga kamag-anak. Madalas pa rin ang ulan. Ang mga duktor at narses ay napilitan ng magtrabaho sa ilalim ng mga payong at trapal na tinali lang sa poste ng Beneco.
Bawa’t isa sa atin ay may kwento, may alaala. May mga hindi na rin dapat inaalala gaano man kasakit. Nguni’t kelangan natin eto upang maging maingat pa rin ang kinauukalan sa patuloy na pagprogreso ng siyudad.
Makalipas ng 21 taon, hindi pa rin yata tayo natuto sa leksyon ng JULY 16. (Photo credits from Hawaiian Webmaster site)
Wednesday, 13 July 2011
Pinoy Media CaNaDian Part 1
Pinoy Media Ca Na Dian (PART I)
(Tamaan na ang tamaan. Ang tamaan, may bukol. Kung walang bukol, hindi nauukol)
Part I
i-SS mo na lang!
Ha? Sasalsalin ko na naman? Putulin ko na lang kaya?
Ang liit na nga nyan, puputulin mo pa.
Haha. Eh etong ulo kaya?
Iyan ang masyado mahaba, bawasan mo.
Hindi, tama lang para ma-excite sila
Sige, ulit ulitin na lang natin
Shhh, wag ka na maingay at baka sa iba pa sumabog eto. Tabi dyan at ilalabas ko na.
Wala ka sa Xerex at hindi mo rin makikita sa Bulgar eto.
Typical na usapan na eto sa mga taga-media. At take note, hindi sila gumagawa ng mga karumal-dumal na gawain dahil mas nakakarimarim pa ang kanilang ginagawa—ang gumawa ng istorya para sa dyaryo.
May mga termino kaming ginagamit na halos kami kami lang nakakaintindi, pwera na lang kung girlfriend/boyfriend/asawa/kabit/nanay/tatay o ka-table ka ng isang taga-media. Kung nataon ka na hindi ka isa sa mga eto at napasama ka sa mga taga-media, goodluck na lang sa iyo at siguradong naibenta ka na sa bumbay sa Magsaysay.
Kunsabagay, lahat naman ng propesyon may kanya-kanyang termino para pag nag-umpok-umpok sila, sila-sila din nakakaintindi at hahanga naman ang ibang taong ‘di nakakaintindi.
Uy sis, out ka na ba? Toxic kasi kami kahapon eh.
Bakit, ano shift mo?
3-11 pa mandin, sa ER
Ay ako, sa ICU..pero Q2 lang
Buti ka pa, puro VA kasi sa akin tapos di pa tapos charting ko
Haha o siya at 7-3 pa ako bukas
Bro, tapos mo na floor plans ng kliyente mo?
Hindi pa. Pati scale model at perspective drawings di ko pa nasimulan.
I-auto CAD mo na lang para mabilis
Problema pa, wala pa ako building permit
I-palakad mo na lang sa City Hall tapos bigyan mo pang-kape
Oo nga ano, sige salamat
Oist, na-kwan mo na pinapa-ano ni sir?
Ay, oo kahapon ko pa naano iyan
Paano mo na-kwan ba?
Basta ginanoon ko ung kwan tapos, okay na siya
Weh? di nga?
Oo sabi.
Ah, madali lang pala anuhin ano?
OO naman
O, di ba..kahit mga estudyante, may mga termino din sila na sila-sila lang nakakaintindi ng ano nila.
Kung minsan, dapat may alam ka ring konting ka-churvahan sa mga ka-ek-ekan ng mga utaw sa mundo
Dahil kung hindi, mapag-iiwanan ka sa mga tiyenes ng mga walang magawa sa buhay. Kaya go lang dahil alam kong keri nyo naman iyan.
Moving on.
Pero hindi lahat ng nag-nursing ay nurse at hindi lahat ng nag-engineering ay engineer. At ganoon din na hindi lahat ng taga-media ay nag masscomm. Mas marami sa amin ay nang-galing sa iba-ibang kurso. Karamihan sa amin ay galing sa commerce at natural sciences. Nasa kursong fine arts ako ng magsimula sa peryodiko bago ang Gulf War sa Kuwait. Maniwala’t ka’t sa hindi, halos ang mga pinakamagaling na manunulat ay hindi man lang nagsitapos. Sila iyung tinatawag na nagtapos sa University of Hard Knocks. Mga sinanay at pinagaling ng panahon at edad—mga bagay na hindi tinuturo sa mga unibersidad at mga libro sa CID, National o Jet Bookstore.
Sila din ang mga hinasa na ng pagsubok sa pakikipaglaban sa karapatan ng bawa’t isa na makapagpahayag ng sariling pananaw. Mga pilit na nagsulat sa ilalim ng Martial Law noong dekada sitenta at mga nagtago sa ilalim ng kama ng pilit kunin ng mga sundalo ang kanilang mga makinilyang Underwood. Iniidolo ko sila dahil walang yumaman kahit isa sa kanila at napangalagaan nila ang kanilang mga pangalan na hindi malagay sa asul na libro ng jueteng, jai-alai, masiao, blackjack, pusoy at tong-its.
Walang kita sa pagiging kasapi sa media. Kung wala ka sa mga malalaking kumpanya, kawawa ka. Madalas sa kapangyarihan na lang ng ‘by-line’ kumakapit ang iba at hindi na rin nakakapagtaka na napipilitan na rin kumapit sa patalim ang iba para lang mabuhay at makisabay sa inuman ng mga taga-media. Nakakabilib din dahil sa kabila ng kakulangan ng kita sa buhay ng isang peryodista ay madalas pa ring istambay sa mga painuman ang ilan. Huwag ka, marami pa sa amin ang suki na sa Magsaysay, Marcos Highway at Naguillian Road.
(Tamaan na ang tamaan. Ang tamaan, may bukol. Kung walang bukol, hindi nauukol)
Part I
i-SS mo na lang!
Ha? Sasalsalin ko na naman? Putulin ko na lang kaya?
Ang liit na nga nyan, puputulin mo pa.
Haha. Eh etong ulo kaya?
Iyan ang masyado mahaba, bawasan mo.
Hindi, tama lang para ma-excite sila
Sige, ulit ulitin na lang natin
Shhh, wag ka na maingay at baka sa iba pa sumabog eto. Tabi dyan at ilalabas ko na.
The writer with former President Gloria Macapagal Arroyo | at The Mansion in Baguio City |
Wala ka sa Xerex at hindi mo rin makikita sa Bulgar eto.
Typical na usapan na eto sa mga taga-media. At take note, hindi sila gumagawa ng mga karumal-dumal na gawain dahil mas nakakarimarim pa ang kanilang ginagawa—ang gumawa ng istorya para sa dyaryo.
May mga termino kaming ginagamit na halos kami kami lang nakakaintindi, pwera na lang kung girlfriend/boyfriend/asawa/kabit/nanay/tatay o ka-table ka ng isang taga-media. Kung nataon ka na hindi ka isa sa mga eto at napasama ka sa mga taga-media, goodluck na lang sa iyo at siguradong naibenta ka na sa bumbay sa Magsaysay.
Kunsabagay, lahat naman ng propesyon may kanya-kanyang termino para pag nag-umpok-umpok sila, sila-sila din nakakaintindi at hahanga naman ang ibang taong ‘di nakakaintindi.
Uy sis, out ka na ba? Toxic kasi kami kahapon eh.
Bakit, ano shift mo?
3-11 pa mandin, sa ER
Ay ako, sa ICU..pero Q2 lang
Buti ka pa, puro VA kasi sa akin tapos di pa tapos charting ko
Haha o siya at 7-3 pa ako bukas
Bro, tapos mo na floor plans ng kliyente mo?
Hindi pa. Pati scale model at perspective drawings di ko pa nasimulan.
I-auto CAD mo na lang para mabilis
Problema pa, wala pa ako building permit
I-palakad mo na lang sa City Hall tapos bigyan mo pang-kape
Oo nga ano, sige salamat
Oist, na-kwan mo na pinapa-ano ni sir?
Ay, oo kahapon ko pa naano iyan
Paano mo na-kwan ba?
Basta ginanoon ko ung kwan tapos, okay na siya
Weh? di nga?
Oo sabi.
Ah, madali lang pala anuhin ano?
OO naman
O, di ba..kahit mga estudyante, may mga termino din sila na sila-sila lang nakakaintindi ng ano nila.
Kung minsan, dapat may alam ka ring konting ka-churvahan sa mga ka-ek-ekan ng mga utaw sa mundo
Dahil kung hindi, mapag-iiwanan ka sa mga tiyenes ng mga walang magawa sa buhay. Kaya go lang dahil alam kong keri nyo naman iyan.
Moving on.
Pero hindi lahat ng nag-nursing ay nurse at hindi lahat ng nag-engineering ay engineer. At ganoon din na hindi lahat ng taga-media ay nag masscomm. Mas marami sa amin ay nang-galing sa iba-ibang kurso. Karamihan sa amin ay galing sa commerce at natural sciences. Nasa kursong fine arts ako ng magsimula sa peryodiko bago ang Gulf War sa Kuwait. Maniwala’t ka’t sa hindi, halos ang mga pinakamagaling na manunulat ay hindi man lang nagsitapos. Sila iyung tinatawag na nagtapos sa University of Hard Knocks. Mga sinanay at pinagaling ng panahon at edad—mga bagay na hindi tinuturo sa mga unibersidad at mga libro sa CID, National o Jet Bookstore.
Sila din ang mga hinasa na ng pagsubok sa pakikipaglaban sa karapatan ng bawa’t isa na makapagpahayag ng sariling pananaw. Mga pilit na nagsulat sa ilalim ng Martial Law noong dekada sitenta at mga nagtago sa ilalim ng kama ng pilit kunin ng mga sundalo ang kanilang mga makinilyang Underwood. Iniidolo ko sila dahil walang yumaman kahit isa sa kanila at napangalagaan nila ang kanilang mga pangalan na hindi malagay sa asul na libro ng jueteng, jai-alai, masiao, blackjack, pusoy at tong-its.
Walang kita sa pagiging kasapi sa media. Kung wala ka sa mga malalaking kumpanya, kawawa ka. Madalas sa kapangyarihan na lang ng ‘by-line’ kumakapit ang iba at hindi na rin nakakapagtaka na napipilitan na rin kumapit sa patalim ang iba para lang mabuhay at makisabay sa inuman ng mga taga-media. Nakakabilib din dahil sa kabila ng kakulangan ng kita sa buhay ng isang peryodista ay madalas pa ring istambay sa mga painuman ang ilan. Huwag ka, marami pa sa amin ang suki na sa Magsaysay, Marcos Highway at Naguillian Road.
Wednesday, 6 July 2011
Promdi Ca Na Dian
Ni minsan hindi ako sumakay ng bus sa Maynila. Laging jeepney o LRT. Kung kayang lakarin, nilalakad ko pero siguradong tumatagaktak na ang pawis mo at libag pagdating mo sa parooroonan mo.
Sa pag-aantay ko ng bus dito, kelangan ko lang hanapin ang numero ng rotang sasakyan ko. Bawa’t bus ay may electronic billboard na pinapakita kung saan eto dadaan. Wala eto’ng nakadikit sa salamin na Portage Ibabaw o Portage Ilalim o kaya’y Main Street diretso o Main Street liko. Kung minsan sa sobrang plakang nakalagay sa harap ng driver ay hindi na niya halos makita ang kalsada at pinapara na pala ng taga-MMDA na hindi pa nag-a-almusal.Hindi gaya sa Pinas na pwede ka sumakay kahit saan, kahit gitna pa ng highway, dito kelangan mo’ng mag-abang sa tamang bus stop. Hanep, may electronic billboard din na kumukutitap gaya ng Hapee toothpaste ni Aiza Seguerra noong araw. Lahat ng oras ng pagdaan ng mga bus ay naka-display sa electronic billboard. Sosyal. Kahit paulit-ulit, pilit ko pa ring pinapanood.
Sobrang amaze ako dahil hanggang ngayon, hindi pa rin nananakaw ang kumukutitap na electronic billboard ng bus stop.
Ngayon alam ko na ang pakiramdam ng isang promdi.* * * * * * * *
15 Mountain via Main Street 09.35 AM
71 Garden City via McPhilips 09.50 AM
33 Maples to via Jefferson 10.05 AM
33 Maples Express DUE
Hayun, 10 minutes pa pala aantayin ko. Naupo muna ako sa loob ng waiting shed na napapaligiran ng salamin, siyempre see-thru para makita mo ang parating na bus. Pananggalang eto sa ulan o malakas na hangin o kaya’y tuwing winter. Hindi mo pwedeng gawing taguan at lalung hindi pwedeng ihian. At lalung hindi pwedeng gawing bentahan ng mani, chichacorn, juiy fruit, Halls at bebol gum. Hindi kagaya ng isang barangay kapitan sa Baguio na inari na ang barangay hall at ginawang sari-sari store niya. Hayyy…
Bawal manigarilyo sa loob neto at lalung bawal dumura. Wala namang nakabantay na pulis o police cadet man lang pero lahat tumupad sa ‘batas na walang kasulatan’ (unwritten law iyun).
Do you have a red light district around here, I mean, you know…
Oh, Filipino?
Oh yeah. (Magkakamukha kasi mga Pinoy, Thai, Indonesian, at minsan mga instik dito eh)
Well, we do have some around here. I know you have lots of it back home, ey?
Ala ey, oh of course. Everywhere is redlight district! Everywhere you go is red. Everywhere you see is red.
How come?
No, I came!
Sorry?
I mean, we have a lot of people painting the town red.
Oh…happy people, ey?
Oh yes! They spit momma everywhere. They spit red on the walls, on the posts, on flower boxes, on the sidewalks, by the overpass over the cars down the streets, even police outposts. We are so red the Americans almost declared us communists.
What’s momma?
It’s a betel nut (you idiot, what planet did you come from anyway?) wrapped in leaves and gives you a ‘high’ of sort.
Oh. Are they allowed to do that? I mean spit anywhere?..everywhere?...
Of course. Haven’t you heard of the Freedom of Spit? (You’re not from this planet, are you?)
* * * * * * * *
15 Mountain via Main Street 5 Mins
71 Garden City via McPhilips 15 Mins
33 Maples to via Jefferson 10.05 AM
33 Maples Express 10.25 AM
Five minutes pa. Amaze pa rin ako sa electronic billboard na eto. Magkano kaya pag binenta eto sa junk shop?
Mababait naman ang mga Pinoy dito. Ma-disiplina at matulungin. Hindi tumatawid sa kalsada kung hindi pa umiilaw ng puti ang munting tao sa ibabaw ng pulang ilaw na nakakahon. Takot din ako tumawid ng basta-basta kaya pindot dito at pindot doon ginagawa ko sa isang poste para umilaw ang puting tao sa kahon sa kabilang kalye.
Wala namang pulis. Wala din namang overpass o kaya’y karatulang nagsasaad ng “NO Jaywalking.” Pero sadyang mabait ang mga Pinoy pag nasa ibang bansa. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi natin magawa sa sariling bansang sinilangan natin. Ang pagtawid sa Pilipinas ay parang pag-big. Susugurin at hahamakin ang lahat pati kamatayan makatawid lang ng kalsada.
Manood ka na lang sa kalsada sa harap ng palengke at Tiong San at makikita mo kung gaano umakyat sa center island ang mga taga-Baguio, may partida pa iyan at bitbit pa ang mga pinamalengke.
At habang binabasa mo eto, sigurado akong napapangiti ka dahil minsan sa buhay mo ay ginawa mo na eto.
Ewan ko ba kung anu mayroon ang Pinoy at tatawid at tatawid kahit sa bawal na tawiran. At pag nabundol o nasagasaan, kasalanan pa ng kawawang driver. Serious injuries due to reckless imprudence. Kung kasalanan naman ng tumawid sa maling tawiran, pwede ba siya makasuhan ng serious damage to property due to reckless jaywalking?
Madalas kahit puti na iyung taong nasa kahon na sumesenyas na pwede ka ng tumawid ay takot pa rin akong tumawid lalo na pag may parating na sasakyan. Humihinto ako at inaantay ko’ng dumaan tapos hihinto rin pala ang sasakyan at di aalis hangga’t di ka tumatawid. Astig. Hehe. Sa isip siguro ng mga puti, “…engot naman mga eto, humihinto sa pedestrian lane.” Sa isip ko naman “…kasalanan ko ba kung nasanay ako sa Pinas na lagi na lang muntik ako sagasaan kahit nasa pedestrian lane ako?”
Sadyang pinakamasayang tao ang mga Pinoy. Mga pinoy lang ang kumakaripas ng takbo sa pedestrian lane habang nagtatawanan at nagtitilian. Kunsabagay, napapangiti din namin ang mga puti dahil sa aming pagkaripas ng takbo sa pedestrian lane habang nagtatawanan at nagtitilian.
Madalas mabulyawan ako ng mga drivers sa Baguio dahil pakiramdam nila sila lang ang mga anak ng diyos na pwedeng gumamit ng kalsada. Pag gumamit ka naman ng sidewalk, nakaparada ang mga sasakyan o kaya’y may naglalako ng wagwag. Malas lang nila pag natiyempo na humarang sa harap ko ang isang sasakyan at nasa pedestrian lane ako at siguradong may nasisipa akong taxi o kotse—sabay lakad ng mabilis na walang lingun-lingon at baka makilala ako na isa sa mga nagsusulat sa Midland Courier. Kung may nanghampas ng payong sa hood ng taxing Crosswind sa may Session harap ng McDo noon, hindi ako iyun.
Hahaha! Mygahd! Onli inda Pilipins ey! O hayan, may Canadian accent na ako.
* * * * * * *
15 Mountain via Main Street DUE
71 Garden City via McPhilips 10 Mins
33 Maples to via Jefferson 10.05 AM
33 Maples Express 10.25 AM
Due na daw ng bus. Weh! 'di nga?
Tumayo ako at lumabas ng waiting shed ng bus stop at mga ilang metro ay parating na nga ang bus. Woooaahh..Unbelievable! Hanep! Astig talaga! How did they do that? As in sukat na sukat nila ang oras ng biyahe nila? Wala ba’ng factors gaya ng traffic, naubusan ng gasolina, na-flat ng gulong, may nagtext sa driver, naiihi na siya, at pagsakay at pagbaba ng mga pasahero sa mga bus stops? May GPS ba sila at alam ang oras ng pagdating ng bus? At bakit hindi nananakaw ang electronic billboard nila at walang nagbebenta ng mani sa bus stop?
Idol talaga! Bow talaga ako, promise!
O Canada, O Canada..I am not worth to be your immigrant!
* * * * * * * *
Nakapila ang mga tao. Walang singitan Puti man o itim, nakakurbata man o naka-tsinelas, pandak o higante, bungal man o may pustiso.
Nakaka-aliw pansinin na kusang bumababa ang hagdan ng bus na may kasamang pang tut-tut-toot na tunog para madaling makapasok ang mga matatanda, matataba at handicaps. Mayroon din siyang tut-tut-toot habang lumalabas ang isang bakal na rampa para sa mga naka-wheelchair.
Huwag lang bababa ang hagdan at tumunog ng tut-tut-toot kapag ako lang ang sasasakay at baka mapitik ko tenga ng driver.
Hi there. How are you this morning? (feeling talaga ng driver, kilala na ako mula pagka-sanggol)
Hello. Am good. Uhmm..one ticket please.
Oh you mean transfer? (sabay punit ng kapirasong papel)
Oh sorry, transfer ticket please. No, no. You call it transfer (makulit talaga lahi ng Pinoy)
Oh I see. Sori naman daw hehe. One transfer please. You’re already holding it.
Kung may sumakay na matanda, kusa ka dapat tumayo at ipaubaya sa kanya ang iyung upuan. Kung feeling mo, mas matanda naman iyung pumasok at feeling mo hindi ka pa naman nagme-menopause, tumayo ka na rin at bibilib pa sila sa iyo. Ganoon din sa mga inang may dala-dalang mga sanggol sa kanila cart dahil bawal nga nagbubuhat lang ng bata. Kung may uupo o tatayo sa tabi mo, huwag mo lang i-iwas ang mga binti mo para makadaan siya. Kelangan tumayo ka talaga.
Pahinto-hinto. Paliku-liko. Malinis ang kalsada at wala pa rin ako’ng nakikitang pulis sa paligid. Lagpas pa ng city hall at ilang bangko, ilang ballparks at maya-maya mga hilerang kabahayan na. Hindi na rin nakakainip ang biyahe dahil sa ganda ng paligid at hindi ka mag-aalala na may dumudukot na pala sa wallet o cellphone mo.
Napadaan na rin kami ng airport at naalala ko tuloy iyung una naming pagdating dito sa Winnipeg mula sa Pilipinas. Mahigit isang oras bago ako nakarating ng bahay at nasita tuloy ako sa tagal ko’ng umuwi.
Monday, 4 July 2011
HOW I SURVIVED MY JOB INTERVIEW
HOW I SURVIVED MY JOB INTERVIEW
(Without really trying hard—with apologies to Erap)
Hi. Good morning. Am here for my job interview…
Oh yes. And you are Jow-gheen Tam-meyo?
No ma’am, its Jo-gin as in Gilbey’s Gin and Ta-mayo as in Kilusang Mayo Uno
Sorry?
It’s Jogin Tamayo (smile)
Okay, Mary and Barbara will be seeing you in awhile. You may take a seat first.
Libre? Tamang-tama wala pa kami upuan sa bahay eh. Can I take home the brown leathered seat later?
Sorry?
Oh nothing ma’am
Haha akala ko kung anu na
Ha? Bisaya ka ano? Taga-diin ka?
Ay abaw! Bisaya ka gali?
OO man. Ilonggo gid. Gamay man lang mag-ilonggo.
Hahaha
* * * * * * * * *
Two minutes before the panel interview, I read an old issue of the Readers’ Digest Canada. I think it was never opened and although it looked like yellow pages, it wasn’t old either-a 2009 March issue. Probably people like me sitted there would never have the opportunity to read a few pages of it.
I read the entire section of the funny stories before a lady called me in.
Two hours before my scheduled interview, I am already dressed up. It’s a cloudy but warm morning so the white long sleeves and the brown Italian silk necktie (read wagwag) was a perfect match for the dark-brown slacks.
Two days earlier, I went through a little research on the office I was trying to get into.
I had to do that since I had to make sure it wasn’t a job at Walmart, Home Depot or Starbucks that I have applied on-line together with a few dozen other applications.
It was best for anyone to try taking on a background check on the functions of the position you were applying and what the company does. Woe to those who can’t answer the question “what can you do for the company?”
* * * * * * * * *
Interviewers: Hi. I’m Mary and this is our executive director Barbara. Would you like something to drink?
Me: Gin tonic would be fine.
Interviewers: Sorry?
Me: No thanks, I’m fine .
Interviewers: Is this your first interview?
Me: (I wanted to say: After my interview with the immigiration officers, this is my second interview)
Oh yes, this is my first interview yet (smile)
Interviewers: So how do you find Canada?
Me: ( I wanted to say: why, was it lost? Do you have a map? I can find it for you?)
Great! Great! I love your place (smile)
Interviewers: Okay, we first ask the questions and after that you may ask your own
Me: (I wanted to say: where’s the wash room? I think I want to puke first?)
Sure! No problem (smile)
Interviewers: So what do you do back then in the Philippines?
Me: (I wanted to say: well, I was a little congressman and a little city councilor then)
I used to work for our congressman as a district officer and a legislative staff assistant to two city councilors. ( Answers to questions like this should only be limited to work related to the position being applied so cooking, doing marketing chores, ironing clothes, and taking out the garbage were out of the question.)
Interviewers: Do you know anything about Microsoft?
Me: ( I wanted to say: Oh yes. If only I knew more about the Microsoft founder than the Microsoft applications, I wouldn’t be here applying for a job. But did you know where Bill Gates got his tradename? Bill and her wife found this out on their first night of honeymoon. Hahaha)
Oh yes. I know MS Word, MS Excel, MS Powerpoint, MS Publisher and other applications like Photoshop, Pagemaker, NDEsign, Auto CAD 2D and 3D.
Interviewers: How about Outlook?
Me: (I wanted to say: Oh Outlook? Its near Mines View Park coming from Pacdal)
I have not used Outlook in actual setting but I am aware of its application which pertains to a mailing system. (take note that you have to at least read about applications listed on the functions of the position you are applying even though you don’t know an iota of what it’s all about)
Interviewers: Was there a situation where you had to work independently? Was there a situation where team work came into play and how did you manage? Were there instances were someone ask for something unrealistic and how did you manage? Was there a time were you were under pressure to organize an activity or event and how did you manage? What was your most difficult task you ever did as a government employee? What was one thing you started that is most important to you?
Me: To all these questions, I just tried remembering how not to answer Miss Philiipines Venus Raj’ famous “there were no major, major…”
* * * * * * * * *
After a 20-minute bus ride for home. I get another call for another examination—the Microsoft Office applications.
In our generation of 2011 AF (that’s 2011 After Facebook), most of young graduates shirk or even shriek at the thought of having to speak infront of people. Most of my classmates in nursing would rather ‘die’ than talk infront of the class. Believe me, they hate anything that makes them look like an idiot in class.
Except if they own the company, their father is the governor, or their father is the kumpare of the barangay captain allied with the congressman, then one has nil chances of even landing a job.
Take to heart your English subjects. Recite, never mind if you give the wrong answer because no one goes to jail for giving one.
Assigned as a student head nurse to supervise my younger classmates at a hospital duty, I scanned monitoring sheets on an aluminum clip-board. Noticing one, ugly and laughable grammar, I asked my classmate to make the necessary corrections.
Xx Patient complained of loss bowels xx
Ano ka ba, nawawala ba tae pasyente mo? hahaha
Ay oo nga kuya noh, mali. Nagmamadali kasi ako eh Hehe sori…(pinalitan)
Xx Patient complained of lose bowels xx
Eh, nawawala pa rin tae niya eh
Ha? Naku oo nga noh. Toxic kasi kuya eh. Sori…(pinalitan) Patient complained of loose bowels ba kuya?
Hmph! OO pero hayaan mo na.
Ha? Bakit kuya?
Eh butas na iyang papel kaka-erase mo ‘o, mag-MUD* ka na lang daw sabi ni ma’am. (Make Up Duty)
While written exams may differ really with actual interviews, there is a little leniency in oral exams. There is no scoring sheet for every mispronounced word or anything that makes you grope for the right word. What is important is your being able to express yourself and ‘sell’ yourself—meaning you can tell what you can do with your skills and talents.
In one gay pageant, the host shoots questions to the candidates.
Host: Aside from world peace and global warming, are there other issues that you would like to address and how are you going to help?
Gay Candidate: (mumbles) urrhffshhmmhhsghhhshhehss…
Host: Haha, I’m sorry can you repeat that please?
Gay Candidate: One word is enough for the wise. I thank you. Bow.
Usually I coach my classmates that during class presentations or mock interviews, I ask them to treat it as if they were talking to their friends. That takes a lot of pressure on their backs.
Me? I treat interviews as if Dhobie de Guzman or Pia Gutuirrez were interviewing me about sports infront of their ABS-CBN cameras. It takes a lot of pressure off my back.
Sir, ano ang significance ng pagkapanalo ng Azkals laban sa Sri Lanka?
No comment!
Thank you sir
Saturday, 2 July 2011
Pinoy Ca Na Dian Chapter 8
IKA-WALONG TSAPTER
Fast Forward
AT BIGLA NA LANG ako’ng nandito sa Canada.
Parang kelan lang, gusto ko’ng maging miyembro ng US Navy. Ngayon baka pwede pa ako maging Canadian Navy. Pero hindi nga ako marami ‘di ba?
Pwede na rin ako’ng sumama sa Canadian Police Force, Community Watch volunteer o parking attendant na tipong men in black ng Jadewell sa Harrison noong araw. Sayang nga lang at hindi man lang ako natuto mangabayo sa Pacdal noon at baka sakaling maging isa rin ako sa kanila sa Canadian Royal Mounted Police. Idol ko kasi sina Lito Lapid at Fernando Poe Jr noon araw eh. Sarap! Hai ho Silver away!
Ako este me: Hey yow John Doe! Surrender na yow!
Suspect: Huh? No way Jose!
Me: Ha? How’d you know my second name ngay?
Me: basta!..I want you to surrender na John or you die! (sabay kasa ng Glock 9mm)
Suspect: No way man!
Me: Why John? Why you don’t like to surrender ngay? (pikon na)
Suspect: Because I’m not John you idiot!
Me: Ay sorry naman daw (sabay talikod)
Sarap talaga sana pero wala din eto sa Slum Book ng classmate ko noong elementarya.
Sa tutoo lang, ayaw ko mag-abroad. Wala ako’ng maalala sa Slum Book na gusto ko mag-abroad. Maging US Navy oo pero hindi mag-abroad. Ang alam ko sa US Navy noon nasa Subic lang sila, iinom sa Olongapo at uuwi din ng bahay.
Ayaw ko mag-abroad kasi takot ako sumakay sa eroplano. Oo, ayaw ko sumakay sa eroplano. Takot ako sa matataas na lugar o gusali. Madali ako’ng malula. Mataas na sa akin ang pag-angat ko sa sahig pag kumakalembang ako ng kampana sa simbahan. Dyusmeh, ni sumakay sa ferris wheel ay hindi ko nagawa at magawa dahil takot nga ako heights.
Pero bali-baliktarin mo man ang mundo kung nakasaad na sa kasulatan na ikaw ay sasakay ng eroplano, sasakay at sasasakay ka rin.
At dahil may pamilya na rin, napilitan ako’ng humanap ng mas maganda pa’ng kinabukasan para sa mag-ina ko. Kakatapos lang ng July 16 killer earthquake noon at pagsabog ng Mt. Pinatubo makalipas lang ng isang taon ay naisip ko ng mag-trabaho sa ibang bansa bilang Overseas Contract Worker (Overseas Filipino Worker na tawag nila ngayon na halos pareho din lang naman).
Tuwing linggo ay bumibili ako ng Bulletin para maghanap ng vacancies para abroad. Wala pa’ng online application noon kaya dala-dala ang isang malaking mapa, pumupunta ako sa Maynila upang hanapin ang recruiting agency. Maswerte rin ako at hindi manloloko ang agency ko at sa halagang P12,000 na placement fee na inutang ko lang sa tatay ko ay pinalad naman ako’ng matanggap bilang artist sa Riyadh, Saudi Arabia.
Artist, hindi artista. Taga-disenyo ng product labels ng iba’t ibang produkto ng Saudi kabilang na ang fabric softeners, laundry detergents, honey products, tubig at bubble gum ni Osama Bin Laden.
At dahil nga sa makulit na lahi ng puting pari na nagbinyag sa akin, kawawa ako sa pag-ayos ng Reynaldo Jose at Jogin. Mabuti na lang at hindi ako nautusang magpakita sa korte at isang affidavit lang na may kalakip na pang-yosi, ayos na ang passport ko.
Nagbiyahe ako mula Baguio hanggang DFA Consulate sa San Fernando at wala pa’ng kalahating araw ay natanggap ko na ang passport ko na may nakalagay ng Reynaldo Jose A.K.A Jogin Tamayo. Hindi kagaya ngayon na halos isang buwan mo aantayin ang passport mo depende pa iyan sa presyo ng ibabayad mo. Mas mabibilis na pasaporte, mas mahal na bayad. Hay Pilipinas.
Isang araw bigla na lang tumawag ang agency ko at aalis na raw kami. Gulf Air. May 14, 1992. Handa na ang plane ticket at magkikita-kita na lang kami ng dalawa ko pang kasamahan na taga-Maynila sa NAIA. Bigla ako’ng natulala dahil sasakay na pala ako ng eroplano. At maiiwan ko na baby ko na dalawang taon pa lamang.
Dahil sa biglaang balita ng pag-alis ay natulala ako. Nag-isip. At nag-isip pa. Marami akong dapat itanung pero may isang tanung na sobrang nakakapakabag sa akin. At sa sarili ko na lang tinanung , “wala ba’ang barko papuntang Saudi?”
Mas marami daw nadidisgrasya sa kalsada kesa sa himpapawid. Mas ligtas pa raw at mas mabilis. Para ka lang daw naka-upo sa salas at kumakain at mas nakakasuka pa nga daw magbiyahe sa Kennon, Marcos Highway, Nagullian at Halsema Highway.
At gaya ng nakasaad sa kasulatan, nakarating ako sa Saudi na eroplano ang sinakyan ko. Sarap pala ng feeling at masarap pala pagkain sa international flight. At tutoo nga, parang hindi gumagalaw ang kinauupuan ko. Masarap panoorin ang mga ulap na para bagang mga bulak na gusto mo’ng talunin at akapin. Tsaka ko lang maalala na nasa 30,000 feet above sea level pala kami.
At diyan na nagsimula ang paroo’t parito ko sa eroplano. Nasubukan ko na ring mag-Japayuki ng isang linggo sa Tokyo, makipag-sawadikap at makipag-kapunkap sa Bangkok at humirit pa ng isang Hongkong bago umalis ng Canada.
At siyempre wala din ako’ng mintis sa domestic airlines na kung saan ninanam ko ang sarap ng Zesto tetra pack juice at Blu Skies na crackers na binigay ng mga hagard ng mga stewardess. Sarap! Kaya pala ang yaman nina Tan at Gokongwei.
Sana nilagay ko na lang na To Be a Jetsetter ang ambition ko sa Slum Book ng classmate ko noong elementarya.
Pinoy Ca Na Dian Chapter 7
IKA-PITONG TSAPTER
Talentado
Dahil sa malimit na pagbabasa ng dyaryo, magazines at komiks na rin, nahilig na rin ako sa mga bali-balita. Sumasali-Sali na ako sa quiz shows ng current events at spelling bees maliban pa sa on-the-spot poster at painting contests. Sumasali pa rin sa mga singing contests sa paaralan kahit na wala talagang future sa pagkanta. Napipilitan na lang dahil madalas ako takutin ng mataray na class president naming bakling na minus 5 daw ako sa homeroom subject pag hindi ako sumali.
May kaklase ako’ng ka-apelyedo ko na naging valedictorian namin. Si Rosanna. Siguro magkamag-anak kami hindi dahil sobrang talino siya kundi parehong Ilocos ang pinagmulan ng angkan namin. Insan ang tawagan namin at ka-Facebook ko na ngayon. Cuzz na ang tawag sa akin bilang pakikipagsabayan namin sa mga kabataang pa-sosyal.
Na-Mafia na namin ang mga secondary contests. Kay cuzz lahat ng math at science contests at akin naman lahat ng art contests.
Kaya hindi naging mahirap na naging editor in chief namin siya nung nagkaroon na kami ng sariling pahayagan at tinawag etong The Beam.
Maliit lang ang sukat ng The Beam. Kasinliit ng short coupon bond, newsprint na second class ata iyun at black and white pa lang at mga walong pahina lang. Hindi ko na alam kung ilang kopya ang pinapa-imprenta ng eskwelahan noon.
Gusto ko ring maging staff member. Maging writer. Mayroon etong pagsusulit para sa associate editor, managing editor, features editor, literary editor, sports editor, at circulations manager. Walang muse at escort.
Astig ng newsletter namin na kahit walong pahina lang ay puro editors ang nasa staff box. Hindi ko maintindihan ang trabaho ng associate editor, managing editor, features editor, literary editor, at circulations manager pero parang kursunada ko ang sports editor. Lamang ako sa kaalaman tungkol sa isports. Nagpalista at naghanda ako sa araw ng pagsusulit. Nguni’t sa kamalasan pa rin yata ay hindi man lang ako nakatungtong sa classroom ng pagsusulit.
Ginawa na lang ako’ng kartunista ng school paper adviser namin. Pahamak na pinsan ko’ng editor in chief, sinumbong na magaling daw ako mag-drawing kaya hayun, isang hamak na kartunista na lamang ako ng The Beam. At ang pinaka-una ko’ng editorial cartoon ay ang isang mag-aaral na nalulublob sa putik ang mga sapatos tuwing pasukan. Dangan kasi at hindi pa talaga sementado noon ang aming quadrangle na puno pa rin ng lupa na among hinukay sa likod ng paaralan.
Diyan nagsimula ang pagkamulat ko sa mundo ng journalism.
Hindi ko rin pinangarap maging kartunista lamang. Gusto ko nang maging manunulat kahit hindi ko eto nalagay sa Slum Book ng classmate ko sa elementarya.
Pinoy Ca Na Dian Chapter 6
IKA-ANIM NA TSAPTER
Newsman
MAHILIG NA TALAGA ako magbasa.
Kung minsan, naiinis ako dahil sa pagbabantay lang sa mga parating na pulis ay hindi ako nakakapagbasa ng mabuti.
Gusto ko kasing magbasa ng magbasa. Binabasa ko ang Bulletin, Times Journal at Daily Express bago eto mabenta. Siyempre nauuna ang comics section tapos front page at sports page.
Idol ko ng matagal si Larry Alcala at ang kanyang Asyong Aksaya at Siopawman. Panalo din ang kanyang Slice of Life na nakalagay sa buong pahina ng Mod Magazine. Matapos ka’ng maaliw sa nakakatawang cartoons ay pilit mo’ng hahanapin ang ulo ni Larry Alcala na nakatago sa mga drawings.
Sikat na rin kasi ang Crispa Redmanizers at Toyota Tamaraws noong araw.
Kilala ko na sila Nur Misuari at ang kanyang MNLF, sina Enrile, Virata at Tatad. Si First Lady na siyang nagpatayo sa Maharlika Livelihood Center.
Kilala ko na rin ang galaw at style nina Robert Jaworski, Francis Arnaiz at Ramon Fernandez ng Toyota laban sa mga Redmanizers na sina Bernie Fabiosa, Atoy Co, Abet Guidaben, Philip Cezar at Freddie Hubalde. Sila ang nagpasikat sa PBA ng itinatag eto noong 1975. Sila iyung madalas ipakulong ni Makoy sa Camp Crame dahil lagi silang nagrarambulan sa basketball court.
Nandiyan na rin ang Mariwasa, U-Tex, Royal Tru-Orange, at 7-Up.
Diyan na yata nagsimula ang pagkahumaling ng mga Pinoy sa larong basketball na inimbento ng mga Canadian.ngunit pinasikat naman ng mga Kano gaya nina Wilt Chamberlain, Jerry West, Dr. Julius Erving, at Kareem Abdul Jabbar. Da best ang Pilipinas noon sa basketball pagkatapos ng ikalawang digmaan sa pamumuno ni Caloy Loyzaga na kung saan nagtapos pa ito ng ikatlong pwesto sa World Basketball Championships. Ngayon, kulelat na tayo sa basketball at naging entertainment na lamang ito para sa mga Pinoy.
Favorite team ko ang Redmanizers ni coach Baby Dalupan na hindi marunong gumamit ng X at O sa drill board pero naunang nagkamit ng grandslam sa PBA. Eto iyung tatlong sunod-sunod na pagkapanalo ng kampeonato sa isang taon. Sumunod na lang ang San Miguel Beermen ni coach Norman Black at Alaska Milkmen ni coach Tim Cone.
Napanood ko na ang mga laro ng Crispa sa TV ng kapit-bahay namin pero binabasa ko pa rin kinaumagahan habang naglalako ng dyaryo sa bangketa. Pag nanalo ang Crispa, uulit-ulitin ko pa ang pagbasa nito. Pag talo sila Atoy Co, ayaw ko na buksan ang sports page.
Dumating na rin ang mga sikat na Kanong basketbolista bilang PBA imports katulad nina Cyrus Mann, Cisco Oliver, Andy Fields at Bruce Sky King. Si Cisco Oliver iyung itim na player sa Alaska commercial na kung saan tinalo siya sa one-on-one ng maliit na batang puti na kamukha ng batang nasa label ng lata ng Alaska evaporada at condensada.
Cisco: “Galing mo meyn!”
Bata: “Alaska meyn!”
Cisco: “Masarap?”
Bata: “Yeah!”
(background music) Wala pa ring tatalo sa Alaska
Sa gabi ng PBA games, nasa kapitbahay na ako na nakikipanood ng basketball.
Sisilip muna sa bintana at kung bukas ang TV nila, kakatok na sa pintuan at magpapaalam. “Pwede pong maki-nood?” sabay iwan ng tsinelas sa hagdan kahit wala pa’ng ‘oo’ ang may-ari, papasok sa salas at makikiupo katabi ng ibang mga bata na nauna ng pumasok. Kung late ka dahil pinaghugas ka pa ng pinggan ng nanay mo, tatayo ka sa sulok malapit sa pintuan dahil SRO (standing room only) na.
Huwag na huwag mo’ng magiging kaaway ang mga anak ng may-ari ng telebisyon dahil hindi ka na makakapasok sa bahay. Mamimiss mo sina Superman, Batman, Wonderwoman, Flash, Aquaman at Green Lantern sa Super Friends pati na rin sina Mighty Thor, Iron Man, Flintstones, Woody Woodpecker, Speedy Gonzales at Bugs Bunny sa Looney Tunes.
Live via satellite na rin ang PBA games noon at RPN 9 lang ni Makoy ang mayroon nun. Black and white ang telebisyon ng kapitbahay namin. Medyo malaki din, 14” ata iyun at may kabinet pa siya na may nakapatong na plorera ng bulaklak, picture frame ng tatay at nanay nung bagong kasal at Christmas belen na gawa sa carton tuwing pasko.
Sikat pa rin ang laban nina Muhammad Ali at George Foreman noong 1976 pero usap-usapan pa rin ang Thrilla in Manila pagkalipas pa ng ilang taon. Gaya ng PBA, pinapanood ko din ang mga laban ni Ali, Foreman, George Frazier, Ken Norton at Larry Holmes at gaya ng PBA, binabasa ko ulit sa dyaryong lako ko ang mga laban nila.
Hindi ko rin akalaing magiging sportswriter ako pagkalipas ng labinlimang taon. Naging kolumnista pa at naging sports analyst pa kuno. Wala din yata eto sa Slum Book ng classmate ko sa elementarya.
Pinoy Ca Na Dian Chapter 5
IKALIMANG TSAPTER
Newsboy
SA HIGH SCHOOL ko unang natikman ang umepal sa dyaryo bilang tindera at manunulat.
Konti pa lang ang tao sa paaralan ko noon. Halos kilala ko lahat ng estudyante at guro. Ganoon din sila sa akin lalo na’t Rico Puno ako ng Pines.
Kalahating araw lang ang pasukan kaya doon ko naisipang magtinda na lang ng diyaryo sa umaga. Newsboy sa umaga, estudyante sa hapon. Sayang din ang kita at mayroon pa akong baon araw araw.
Hindi naman ako pinigilan ng mga magulang ko dahil madalas nasa gala din lang naman daw ako. Certified Batang kalye na talaga ako.
Gigising ng mga alas-singko ng umaga at walang hila-hilamos, naglalakad na ako mula bahay sa Naguillian road tabi ng punerarya lagpas pa sa isa pang punerarya tapos City Hall at fire station patungong looban ng palengke na kung saan naroroon ang mga malalaking distributors ng dyaryo. Tatlo lang sila noon-sina Daludado, Alcantara at Nonog.
Halos madilim pa pagdating ng mga trak ng dyaryo galing ng Maynila. Mula sa kalsada sa tapat ng Malcolm Square ( na kung saan may overpass na at Peoples’ Park na ang tawag ngayon) binubuhat na namin papasok ang mga bundles ng dyaryo. Ang isang bundle ay isang balot ng nakataling sinkwentang dyaryo. Siguro nga dahil sa kabubuhat ng dyaryo ay hindi na ako lumaki. Hindi pa naman uso ang Cherifer noong araw at ang mga hugis hayop na mga multi-vitamins ay para sa mga mayayaman lang na classmates ko.
Kaming mga small-time ang taga-buhat pero iyung mga matatanda ang nauunang nabibigyan ng dyaryo. Sila iyung mga beterano at tumanda na sa paglalako. Maniwala ka, iyung iba ay nakikita ko pa sa Session Road at palengke na nagtitinda pa rin ng dyaryo.
Mataas na ang sikat ng araw tsaka lang kami nabibigyan ng dyaryo. Pag tinanghali ka, wala na masyadong bumibili sa palengke kaya nilalakad ko ang mga bahay-bahay sa amin na naging suki ko na rin ako.
Tatlo lang ang malalaking dyaryo o broadsheets noong araw. Bulletin Today, Times Journal at Daily Express—lahat ay kontrolado ni Makoy.
Hindi mahirap magsisisigaw sa kalsada habang bitibit ang dyaryo na may sapin o ap-ap na Manila paper na makapal. Ilan lang ang binibigay sa aming dyaryo noon. Limang Bulletin, tatlong Times at tatlong Express.
Kaya ang sigaw lang noon sa kalsada ay BUH-LLEEETIN, JOURNAL EX-PRESSSS!!! Dapat dire-diretso ang bigkas, huwag hihinga at malakas ang pagsigaw at presto may susutsot na sa iyo. Siguraduhin mo lang na walang aso sa likod mo at baka hindi ikaw ang tinatawag.
Mayroon ding tabloids o mas maliliit na dyaryo gaya ng Balita, People’s Journal at Tempo. Medyo bago pa lang ang Tempo noong araw kaya madalas babaeng nakapanty lagi ang nasa centerpage.
Sitenta sentimos ang isang dyaryo at may kita akong diyes sentimos bawa’t isa. Pwede ko’ng patungan hanggang kinse sentimos ang bawat isa kung dinadala ko sa mga bahay-bahay ng mga suki ko.
Tuwing Linggo ang da best magtinda. Kung pwede nga lang sana madagdagan ang dyaryo pero talagang hanggang limang Bulletin, tatlong Times at tatlong Express lang ako. Pabigat pa naman ang Women’s Woman’s at MOD magazines.
Hindi ko kayang bitbitin ang lahat ng dyaryo kaya madalas sa bumbunan ko nilalagay ang mga dyaryo at magazines ko. Kaya siguro talagang di na ako pwedeng lumaki. Mula palengke, tatawid ng Malcolm Square (wala pa’ng overpass noon at plano pa lang ni Jun Labo iyan noong unang tumakbo siya bilang mayor) at lalakarin paakyat ng Session Road lagpas ng Patria de Baguio hanggang sa Baguio Cathedral. Dapat nasa entrada ka na ng isa sa mga pintuan ng Cathedral bago mag-6:30 AM para maaga maubos ang tinda mo.
Pero hindi rin madaling magtinda sa Cathedral noon dahil madalas nakikipag-patintero kami sa mga alagad kuno ng simbahan na. Naka-putting amerkana sila na may patse sa kaliwang dibdib. Napapalayas at nabubulyawan kami. Aalis kami. Iikot lang at muli na namang naka-display ang dyaryo namin sa hagdan. Alam ko naman ang kwento ng isang bible story na kung saan tinaboy ni Hesus ang mga tindero’t tindera sa simbahan pero binawi na lang namin ng sabay na pagdarasal. Pagdarasal na sana’y maaga maubos ang dyaryo namin.
Sa bawat pagtitinda sa Cathedral tuwing Linggo ay tiba-tiba na ako sa P1.50 na kita. Hindi pa doon natatapos ang trabaho. Magsisipagtakbuhan kami patungong Kisad upang ibili ang kita namin ng ilang pirasong Midland Couier. Matiyaga kaming nakikipila at muling ibili ang kinita namin noong araw na iyun. Mabenta ang Midland. Good as cash ika nga. At sigurado kang kikita ng doble porsyento ang nauna mong puhunan na hindi kailangang sumasali sa pyramiding scheme o networking.
Hindi ko maubos-maisip na pagkalipas pala ng halos tatlumpung taon ay magsusulat at guguhit pala ako sa Baguio Midland Courier.
Pasado tanghali na ako madalas umuwi. Bibili muna ako ng cinnamon sa palengke pasalubong sa mahal kong nanay. Pero habang naglalakad ako pauwi ay kinakain ko na unti-unti ang cinnamon ng mahal kong nanay.
May extra na akong pera para sa pag-aaral ko at siyempre may cinnamon pa ang mahal kong nanay.
Sayang at hindi ko naisulat eto sa Slum Book ng classmate ko.
Hindi ako naging businessman o negosyante dahil lamang nagbenta ako ng dyaryo. Talagang para sa mga instik lang ang negosyo na kung saan ay bawa’t sentimo ay mahalaga at hindi marahil basta-basta bumibili ng cinnamon mula sa kita para lang sa nanay nila. Pero siguro naman, mahal din nila nanay nila.
Sa pagtitinda ko ay natuto akong makipagsabayan sa buhay. Maaga ko natutunan ang tinatawag nilang ‘Survival of the Fittest’ at ‘Rat Race.’ Hindi pala tutoo na karera ng daga iyun.
Natuto ako’ng makipag-box out sa pila ng diyaryo para lang mapaaga ang pagbebenta ko. Mabilis na ako magbigay ng sukli kahit tatlo-tatlo pa ang binili ni bosing at hindi na ako nasho-short sa remittance ko sa newstand.
May mga ilan-ilan ding malulungkot na yugto sa pagiging newsboy ko. Kasama na yata iyan sa teritoryo na kung saan kelangan mong makipag-umbagan para protektahan ang kita sa araw-araw. Kung minsan, hindi maiwasan na magawi ka sa mga lugar na hawak na pala ng mga mas astig pa na newsboys. Dangan kasi at nasutsot ako ng isang pasahero ng bus sa Pantranco sa Gov. Pack at ng matapos ko masuklian ang mama ay hayan na mga Pantranco boys na galit na galit sa pagtapak ko sa teritoryo nila. Mali talaga. Nagpapasalamat pa rin ako at hindi ako nabugbog. Buti na lang mukha pa rin akong sakristan at siguro, kahit paano, nakatulong ang pagdarasal ko sa Cathedral.
Nakigrupo ako sa mga ibang newsboys-tipong gang o fraternity na kung sakali may mang-away sa iyo ay may tatakbuhan ka na. Tambayan ko na ang Patria de Baguio sa bandang ibaba lang ng maliit na Steaks and Toppings restaurant ni Carlos Anton ngayon. Mayabang na ako ngayon at may back-up na ako sa Patria.
May mga araw na talo sa bentahan. Kaya bababa na ako ng Session Road at maglalatag sa hagdan ng Mercury Drug. Kung anung itsura ng hagdan ngayon, ganoon pa rin noong araw. Walang pinagbago. Pebble finish pa rin ang hagdan hanggang ngayun.
Minsan, may dumaang mga newsboy na halos kasing-edad ko at nagsisipagtawanan dahil madami pa akong naiwang dyaryo. Ang yabang nila porke ubos na dyaryo nila. Hinamon ko sila ng ‘square.’ Kainis at iyung malaki pa ang tumanggap ng aking hamon. Hayun, nag-wrestling kami sa tanghaling tapat. Mabuti talaga at wala pa’ng TV Patrol noong araw dahil kung hindi, headline na naman ang Baguio dahil sa rambulan ng kabataan.
Awa ng diyos, hindi pa ako umuwi na may black-eye o putok na labi. Mahirap talagang tamaan ang maliit. Tama si Manny Pacquiao, mas madaling tamaan ng suntok ang malaki.
Buti na lang at wala akong nilagay na boxer o mixed martial artist sa Slum Book dahil hindi ko pinangarap na maging war freak.
Ang isa pang dahilan kaya hindi ako maaring maging businessman ay ang madalas na hide-en-seek namin ng mga pulis. Kahit nakalatag sa bangketa o hagdan ng Mercury Drug ang dyaryo mo, dapat matuto ka’ng magbenta ng laging nakatayo at nakamasid sa kalsada. Huwag kang kukurap o didighay man lang dahil pag natsambahan ka ng pulis patrol na puting Tamaraw, huli lahat ng paninda mo at may libre na silang babasahin sa kubeta ng opisina nila.
Dapat may art din ang paglatag mo ng dyaryo sa bangketa. Maayos dapat ang pagkakasalansan na sa oras na parating na naman ang police mobile ay isang sungkab o daklot lang sa magkabilang dulo ng paninda na walang mahuhulog kahit isa sabay takbo sa Malcolm Square. “Di lumaon ay nagtatago na kami sa taas ng Mido Hotel sa bandang itaas ng Mercury Drug.
Malakas talaga ako magdasal at siguro good shot talaga ako kay Lord dahil nga sakristan ako. Ni minsan ay hindi pa ako nahuli o maisakay ang mga dyaryo ko sa puting Tamaraw ng mga pulis. Ang mga minalas na mahuli ay pinaglilinis sa opisina bago ibalik ang kanilang mga dyaryo.
Ang mga newsboy ngayon, maiksi na lang sigaw sa kalsada. DYARYO! Iyun lang. DYARYO! Matapos mapatalsik si Makoy sa EDSA Revolution noong 1986 ay nagsulputan na ang maraming dyaryo sa ngalan ng press freedom. Sinara ang Daily Express at ang Bulletin Today at Times Journal ay naging Manila Bulletin at Manila Times. Mayroon na kasing Philippine Daily Inquirer, Philippine Star, Manila Standard, Business World, Manila Chronicle, Business Mirror, Business World
Dagsa na rin ang mga tabloids na paboritong bilhin ng mga jeepney, taxi drivers at ng mga manyakis sa mundo. Maliban sa Tempo, People’s Journal, Balita, Taliba, at Pilipino Star, nandiyan na rin ang Bulgar, Tiktik, at Toro na hindi mahuli-huli dahil lamang sa tinatawag na press freedom.
In fairness, walang masyadong kaso ng rape noong panahon ng Martial Law dahil bawal maglabas ng mga hubad na litrato ng mga babae. Bawal ang mga tinatawag na graphic at violent pictures at video. Dahil sa dami ng malalaswang babasahin at sobrang press freedom, dumagsa ang mga kasong panggagahasa at masaker. Nauso na rin ang sexual harrasement, gang-rapes, child molestation at phedophilia.
Maswerte sila ngayon at dahil sa press freedom na iyan ay may sarili ng newstand ang karamihan sa mga kasamahan kong newsboy noong araw. Gawa sa kahoy at napinturahan ng berde bilang pagkaayon sa kulay ng Baguio kahit wala na masyadong Pine tree. Nakasandal ang mga newstands sa pader ng ilang establisimento sa mga pangunahing kalsada gaya ng Session, Bonifacio, Magsaysay, Harrison at Abanao. Hindi na rin hinahabol ng mga pulis ang mga newsboys at pinaglilinis ng opisina nila.
Gayun pa man, hindi ko naging ambisyun ang maging janitor ng mga pulis at hindi ko rin nilagay na maging businessman ako sa Slum Book ng classmate ko noong elementarya.
Subscribe to:
Posts (Atom)